MGA SEKTOR PANG- EKONOMIYA AT MGA PATAKARANG PANG- EKONOMIYA NITO

Mga Polisiya para sa Ikauunlad ng mga Sektor ng Ekonomiya

Meroon tayong limang sektor,  ito ang sektor ng agrikultura, paglilingkod, impormal, kalakalang panlabas at industriya. Ang sektor ng pag lilingkod,  ito ang nag praprayoreta sa mga serbisyo  kasya sa mga mga nag kakalakal, meron itong dalawang klase propesyonal at mangagawa. Ang sektor ng agrikultura ay mga pananim ng bansa at ang pinag kukunan ng maraming demand ng industriya at tumutugon sa pangangailangan ng mga tao. Ang sektor ng Industriya ay ang ibat ibang uri ng gawaing pangkabuhayan katulad ng paggawa ng mga hilaw na materyales para makabuo ng isang produkto na gagamitin ng mga tao. Ang impormal na sektor ay ang pag tratrabaho ng mga tao na walang permit o permiso na galing sa kanilang baranggay. At ang kalakalang panlabas naman ay ang pagkakalakal ng mga produkto sa loob at labas ng bansa. 

Sa sektor ng agrikultura nagmumula ang lahat ng pangunahing pananim ng bansa at pinagkukunan ng malaking demand ng industriya. Dito rin nagmumula ang pangunahing pangangailangan ng isang tao. Sa sektor ng paglilingkod naman ay sektor na mas nagbibigay pansin sa mga serbisyo kaysa sa mga kalakal. May dalawang uri ng mangagawa; ito ang mga propesyonal, at mga mangagawa (sanay, medyo sanay, at di sanay). Ang impormal na sektor ay ang pag kakaroon ng trabaho na walang permiso/permit na galing sa kanilang baranggay, ang katulad nito ay ang mga umiikot na kainan katulad mga nag bebenta ng fishballan, maliliit na negosyo katulad ng pag bebenta ng halo halo, pag bebenta ng mga produkto sa online katulad ng online shopping at iba pa. Ang sektor ng kalakalang panlabas ay tumutukoy sa lahat ng gawain ng isang bansa na may kinalaman sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa. Ito ay kinasasangkutan ng pag-export at pag-import ng mga kalakal at serbisyo, pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang mamumuhunan, at iba pang mga aspeto ng internasyonal na kalakalan. Binubuo ito ng mga industriya tulad ng export at import, logistics, international finance, at iba pa. Ang kalakalang panlabas ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ng maraming bansa dahil nagbibigay ito ng pagkakataon para sa pag-unlad at paglago sa pamamagitan ng pag-access sa pandaigdigang merkado at pagpapalitan ng mga yaman at teknolohiya sa pagitan ng mga bansa. Ang Sektor ng Industriya ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng gawaing pangkabuhayan. Pangunahing layunin nito ay mailunsad ang mga hilaw na materyales o sangkap na materyal upang makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao. Nagmumula sa agrikultura ang mga hilawna materyal upang mabuo ang mga produktong maaaring ipagbili sa mga mamimili o gamitin bilang bahagi ng isang produkto. 

Upang mas mapaunlad pa ang bawat sektor na ito, kami ay nagtalaga ng mga polisiya o programa na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng bawat sektor. 
Polisya para sa sektor ng Agrikultura - ang makakatulong sa sektor na ito upang maging mas maunlad pa ay kapag binigyan ng pamahalaan ng mas malaking pondo ang mga ito. Dahil dito mas magkakaron ang sektor na ito ng mas malaking puhunan at tataas ang produksyon ng mga produkto na kanilang nagagawa. Ang pagbibigay atensyon din dito ng pamahalaan ay makakatulong ng malaki at pagbibigay nito ng mga makabagong teknolohiya upang tumaas ang salik ng produksyon.
Polisya para sa sektor ng paglilingkod - ang polisya upang mas umunlad pa ang sektor na ito ay, upang magkaroon ng mas maraming propesyonal na manggagawa, aking ipapatupad ang pagkakaroon ng mas kalidad na edukasyon na at ako ay magbibigay ng mga iskolarship upang marami ang makapagtapos ng kolehiyo na magdudulot sa mas maraming propesyonal na mangagawa.
Polisiya para sa impormal na sektor - 
Ang maaring gawin nating solusyon dito ay ang pag kakaroon ng programang pang baranggay para sa mga negosyong mga ito para mag karoon ng permiso, o mabigyan sila ng pondo para maka pag patayo ng negosyo na kailangan ng permit ng baranggay para mapatayo ito katulad ng mga sari sari store. Dapat rin tulungan ng ibang sektor ang impormal na sektor dahil kailangan natin mabawasan ang ang kanilang bilang para malaman natin ang mga totoo at supportado ito ng baranggay. 
Polisiya para sa kalakalang panlabas - 
Isang polisiya na maaaring makatulong sa sektor ng kalakalang panlabas ay ang pagpapalakas ng mga patakaran at programa na naglalayong mapalakas ang kompetitibidad ng mga lokal na industriya. Gaya nang Edukasyon at Pagpapaunlad ng Kasanayan, Ang pagbibigay ng sapat na edukasyon at pagsasanay sa mga manggagawa sa mga sektor na may mataas na potensyal sa ekspor ay makakatulong sa pagpapalakas ng kalidad at produktibidad ng mga produktong inaalok ng bansa sa pandaigdigang merkado. Pagsuporta sa R&D (Research and Development), Ang pagtutok sa pagpapaunlad ng mga bagong produkto at teknolohiya sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pagsasaliksik at pag-unlad ay magbibigay ng kompetitibong abante sa mga lokal na industriya sa pandaigdigang merkado. 
Polisiya para sa sektor ng industriya - d
onasyon para sa sektor ng industriya. Makakatulong ito para magkaroon ng sapat na pangangailangan ang mga tao na nakaranas ng covid 19. Sa pamamagitan nito ay hindi na sila mahihirapan ng sobra at magkakaroon sila ng pag asa na ipag patuloy ang kanilang gawain sa pang araw araw.

Comments